20/4/2011
Paano mag move on ang babae?
Nakikinig sa music - Hindi ‘yung kantang sinasampal sa kanila ang lyrics, kundi sa masasayang kanta katulad ng Waka Waka, Fireworks, Bad Romance, AFRICA AFRICA. Kung ano mang masasayang kanta.
Magdamag kausap ang bestfriend - Hindi mawawala sa babae ang umiyak ng umiyak, kawawa si bestfriend, basang basa na nang luha, tipong mag kakasinat kapag natuyuan, daig pa ang na ambunan. Payo ko kay bestfriend, himasin ang likod niya, painumin mo ng tubig, galing sa gyera ng pagmamahal yan.
Kung blogger ka din namang babae - Sinasabi lang rin nila ang sinasabi nila, nagpaparinig sila baka sakaling may magkagusto sa kanila, sasabihin yung mga katangian na kaya nilang gawin kapag nagkaroon sila ng karelasyon.
Mag-eexercise/ magpapaganda - Beauty is the best revenge nga daw, nag-eenjoy na sila sa ginagawa nila, nakakabenefit pa ang kalusugan nila, gumaganda pa sila. Tipong maiisip mo na “SINONG NAGKAMALI SA ATIN NGAYON?”
Manglandi - Lalake lang ba ang malandi? Ang babae rin ‘no. Parang sa lalake lang rin, hindi para pababain ang sarili, kundi puwang ang pag kukulang sa pusong uhaw sa pagmamahal. Madalas nilang nilalandi ay yung mga kaibigan lang rin nilang lalake na tanggap kung sino at ano sila.
Pagtanggap - Lahat naman nakakamove on sa oras na tinanggap na nilang wala yung taong ito. Wala na silang magagawa e, nangyari na kasi, may pride din naman kasi ang mga babae na bakit sila mang hahabol? Eh babae sila, ang tunay na babae naniniwalang sila ang hinahabol at nililigawan.
Kapag nagkaroon na nang bagong relasyon - Syempre, bagong love life. Bagong buhay, bagong yugto, bagong saya. Bagong taong makikilala, taong tatanggap, at taong magmamahal.
Paano kung masaktan ulit si babae? Paano ulit mag momove on? Basahin mo ulit muli sa umpisa. Paulit ulit lang yan.
FOR FUTURE REFERENCE.
SAME.
This post was reblogged from ESCAPISM.